Sunday, August 26, 2012

random thought #1

why do couple break up? bakit?

ano ba ang karaniwang dahilan ng paghihiwalay o pagku-kool off?

dahil ba sa kabit/kirida/third party?

miscommunication sa bawa't isa?

at

bakit nangyayari ang mga ganitong bagay?

may mga solusyon ba para maiwasan ito?

kung meron, bakit hindi magawang gawin? mahirap ba?

Sunday, August 15, 2010

collide

hindi ko alam kung pano ko uunawain ang lahat ng mga nangyari sa mga nakaraang panahon. hindi ko alam kung saan ko uumpisahan at paano ko uumpisahan ang lahat. mga bagay na hindi pangkaraniwan nangyayari o ginawagawa.

noong may ginawang hindi maganda na napagtalunan ng halos humantong sa pagka-kalimutan ng pinagsamahan o ng pagkakaibigan.. ilang araw, linggo at buwan ang lumipas ng hindi paguusap... nang dahil sa isang kaibigan na nagawan mo din noon ng hindi magandang bagay na nagkaayos kayo... kinausap ako at sinabing baka pwedeng maayos pa ang mga bagay-bagay sa pagitan nating dalawa. nung una ay ayoko at sobrang masama pa rin ang loob ko syo. ngunit napag-isip ako dahil hindi naman talaga natural sa akin ang mag-tanim ng galit o sama ng loob sa mga malalapit sa buhay ko. pinagbigyan ko sya at sinubukan at umasa akong ika'y magbabago o nagbago na...

nagdaan ang panahon at nakalimutan ko na ang mga hindi magandang nakalipas dahil inakala kong ikaw ay tuluyan na ngang nagbago... ngunit nitong nakalipas na linggo ay ginawa mo na naman o hinigitan mo pa ang ginawa mo noon. oo, matiryal na bagay lang yun para ipagpalit ang samahan natin kung doon mo ibabase pero hindi naman dun ang aking ikinasasama ng loob. yun tinawala na ibinigay ko ulit sa iyo ay sinira mo ulit at mga aroganteng sagot mo. pero hindi lang naman yun ang batayan ko para talikuran ang pagkakaibigan natin. may mga pangyayari na rin na nararamdaman ko na ng mga sitwasyon na iyon na hindi mo ako gusto kasama. hindi sa ayaw mo sa akin ngunit yun pakiramdam na tingin mo eh masyadong nanghihimasok na ako sa inyong "circle of friends". oo, alam ko yun pakiramdam na parang bang may "sarili akong samahan;meron ka naman din naman" dun ka na lang. at marami pang ibang pangyayari.

kaya napagdesisyonan ko na putulin na ang ating ugnayan.


PS: pasensya na sa pagsulat ko dahil sa panahong sinusulat ko ito ay sabaw na ako gusto ko lang ilabas ang aking nararamdaman.